Maayong buntag Argao!
Daku akong kalipay nga sa inyong usa ka semana nga selebrasyon sa pista ni Señor San Miguel Arkanghel, ako ang inyong napili nga imbitaron. Sa akong kalipay, akong gikuyog akong mga higala sama nila Migs Zubiri ug uban pa.
(Masaya ako na sa inyong isang linggong selebrasyon sa kapistahan ni Señor San Miguel Arkanghel, ako ang inyong napiling imbitahin. Sa saya ko, isinama ko ang aking mga kaibigan na sina Migs Zubiri at iba pa)
Nang binisita ko ang 1st district ng Cebu nitong Hulyo, inanyayahan ako ni Mayor Edsel Galeos sa pagdiriwang ng inyong fiesta at groundbreaking na rin ng LGU housing project.
Nakakalungkot man, hindi ko siya napaunlakan dahil may mga nauna na akong schedule.
Kaya naman ng iparating ng ating kaibigang si Noel Gonzales ang paanyaya ulit ni Mayor, hindi na po ako tumanggi. Inutusan ko na ang aking anak na ayusin ang aking schedule at siguraduhing mapupuntahan ko ang inyong magandang bayan.
Kung mahaba-haba lang sana ang panahon ko ay gusto kong makaikot sa inyong version ng Rice Terraces at balay sa Agta Cave. O matikman rin sana ang inyong ipinagmamalaking torta at tablea.
Pero kahit hindi ko magawa ang mga ito ngayon, masaya na rin ako dahil nakarating ako sa pagsisimula ng proyektong pabahay para sa mga empleyadong lokal.
Kung kasing-sigasig sana ni Mayor Edsel at ng inyong konseho ang ibang local government units ay malamang wala nang empleyadong mangungupahan o makikitira sa mga magulang at kamag-anak. Lahat ay magkakaroon na ng sariling bahay.
Iyan po ang mithi at adbokasiya namin sa sektor ng pabahay—ang magkabahay at magkaroon ng seguridad sa lupa ang lahat ng pamilyang Pilipino.
Kaya noong Pebrero ng nakaraang taon, inilunsad namin ang Pabahay Caravan dito sa Cebu City. Sa buong Pilipinas, pinili namin ang Cebu na paglunsaran dahil alam namin na mas masigasig ang mga Cebuano kumilos lalung-lalo na kung ito ay makakatulong sa mga kababayan natin.
Ug wala kami masayop.
(At hindi naman kami nagkamali.)
Nagbunga kaagad ito dahil noong Disyembre ay lumagda ng Memorandum of Understanding ang Home Development Mutual Fund, o Pag-ibig, at ang limang Cebu LGUs para sa housing projects. At isa na nga sa lumagda ay ang Munisipalidad ng Argao.
At ngayon, matapos ang ilang buwang negosasyon at pag-aayos ng mga kaukulang dokumento, ay matutupad na ang pangarap ng mga kawaning lokal ng Argao.
Hibalo mo, kini nga housing project usa ka modelo sa pagtinabangay.
(Alam po ninyo, ang housing project na ito ay masasabi nating isang modelo ng pagtutulungan.)
Unang-una, ang inyong lokal na pamahalaan ang nagsulong at bumuo ng proyekto. At sila rin ang nakipag-negosasyon sa iba’t ibang ahensiya upang maisagawa ito.
Ikalawa, ang lupang pagtatayuan ng inyong mga bahay ay nabili sa pamamagitan ng local housing fund ni dating Congressman Simeon Kintanar sa Binlod, Argao.
Ikatlo, ang mga ahensiyang pabahay ay katuwang ninyo sa proyektong ito. Nangunguna ang National Housing Authority na nagbigay ng technical assistance sa paggawa ng subdivision plan, detailed engineering plan at iba pang plano.
At ngayon naman, ang Pag-ibig Fund ang magbibigay ng pinansiya sa ilalim ng kanilang Group Housing Loan Program for LGUs.
Once completed, this project will provide 618 units of affordable housing for low-income families here. These new housing units will not only contribute to the economic and social well-being of the entire community but will give hope to residents who need quality but affordable and safe housing.
And today’s event demonstrates what we can achieve when we work together.
On this note, let me congratulate and thank everyone involved in this project: Mayor Edsel Galeos and his council, mga katawhan sa Argao and the housing agencies, especially in Region 7, who worked so hard to make this project a reality.
Your efforts are truly invaluable to the LGUs not only in the construction of affordable housing but also in the development of a sustainable community.
At doon naman sa mga benepisyaryo ng pabahay na ito, sana ay maliwanagan ninyo na maraming naghahangad na magkaroon ng bahay ngunit hindi lahat ay nabibigyan ng ganitong pagkakataon.
Kaya alagaan ninyo at pagyamanin ang inyong magiging bahay. At huwag ninyong kalilimutan ang kaakibat nitong obligasyon—ang maagap na pagbayad ng amortisasyon. Dahil kapag ang lupa’t bahay ay maging pag-aari na ninyo, ito na rin ang pamana sa inyong mga anak.
Muli, binabati ko kayong lahat. Maayong pagsaulog sa inyong fiesta.