Grand Inauguration of the Hanjin Employees’ Village, Brgy. Nagbayto, Castillejos, Zambales, 6 April 2013, 1:00 p.m.

            An-nyung-ha-se-yo. [Good afternoon to all of you]

            Forgive my poor Korean but I acquired the few Korean words I know only through K-pop. But that only shows how popular K-pop has become in the Philippines, I can hardly resist it.

            And this is no surprise, judging from the rapid growth of Korean nationals that have made their new homes here, or in fact became our neighbors, or havebdecided to do business in our country.

            It has been sixty-five (65) years since we commenced diplomatic relations between the Philippines and the Republic of Korea. At nakakatuwang isipin na palapit na nang palapit ang ugnayan ng mga Pilipino at Koreao sapang-araw-araw na kabuhayan, sa edukasyon, sa telebisyon at lalo na sa negosyo.

            Inaasahan din natin na mahigit isang milyong turista mula sa Korea ang bibisita sa Pilipinas ngayong taon. Nitong Enero at Pebrero pa lang, mga dalawang daang libo at apat na pung (240,000) turista na mula sa Korea ang bumisita ng Pilipinas.

            In the realm of business, Korea enterprises are finding the Philippines among the most attractive investment destinations in ASEAN next to Vietnam and Indonesia, based on Korea Eximbank Data. The bank reported that from 69 in 2009, the number of new South Korea firms that invested in the Philippines jumped to 82 in 2011.

            Existing South Korea enterprises are also expanding their operations in the Philippines, mainly because of the English proficiency of Filipinos, competitive labor conditions, improving infrastructure and the increasingly attractive business environment.

            Masasabi natin na ang ugnayan ng mga Pilipino at Koreano ay nagbubunga ng magandang resulta sa larangan ng kultura, kalakaran, at industrIya. In fact, more and more Koreans, we understand, are finding that it is indeed “more fun in the Philippines.”

            An example is the entry of Hanjin Heavy Industries in the Philippinesin 2006. One of the largest private employers in the Philippines with close to 20,000 workers employed, Hanjin’s 1.7 billion U.S. dollar investment has put the Philippines in the map as one of the top shipbuilding centers in the world.

            With its own skills training center in the Subic Bay Freeport, Hanjin has shared its expertise with some 35,000 workers. Together with building ships, Hanjin has in the process produced highly skilled Filipino welders, painters, pipe fitters, electricians, and outfitters.

            The economic contribution of Hanjin in the Philippines cannot be underestimated. Aside from being the top exporter at the Subic Bay Area, your company has radically helped shape the development of the Philippine ship building industry.

            Ngayong araw, isa pang milestone sa kasaysayan ng inyong kumpanya sa Pilipinas ang ating itatayo. Ito ang inagurasyon ng Hanjin Village Project—ang pabahay ng Hanjin para sa kanilang mga manggagawa.

            Tulad ng nakita natin sa audio-visual presentation, sinimulan ang planong housing project na ito noong 2008 nang bumili ang hanjin ng tatlumpu’t tatlong (33) ektaryang lupa dito sa Castillejos. May kahabaan ang proseso upang magamit ang lupang ito para sa housing. Ngunit nang mapirmahan ang isang Memo of Agreement o MOA sa pagitan ng Hanjin at munisipalidad ng Castillejos, bumilis na ang galaw ng proyekto.

            At iyan ay dahil sa buong suportang ibinigay ng lokal na pamahalaan ng Castillejossa proyektong ito.

            Sa kabuuan, dalawang libo pitong daan at pitumpu’t limang (2,775) bahayang maitatayo sa ilalim ng Hanjin Village Project na nahahati sa dalawang phases.

            Sa phase 1, isang libo pitong daan at tatlumpu (1,730) ang itatayo, at isang libong (1,000) housing units dito ang inaasahang matapos sa taong ito. Sa kasalukuyan, halos tatlong daan at limampung (350) bahay na ang naitayo. At mamayang kaunti, masasaksihan ninyo ang ceremonial turn-over of keys sa mga awardees ng housing units.

            Kung akala ninyo ay nagtatapos na riyan ang magandang balita, may susunod pa po. Ang lupang kinatatayuan ng mga housing units ay ibinigay ng hanjin ng libre. Tama po ang narinig ninyo, libre. Ibig sabihin, ang halaga ng babayaran ninyo na monthly amortization ay para lamang sa construction ng bahay at hindi kasama ang halaga ng lupa. Di-biro pong malaki ang bawas.

            At siyempre, kami sa sektor ng pabahay ay may magandang balita ding hatid sa inyo. Ang Pag-Ibig Fund, na magpapautang upang mabili ninyo ang mga bahay na ito, ay binabaan ang interes para sa Hanjin Village Project.

            Para sa bahay na nagkakahalaga ng 400,000 pesos, ibinaba ng pag-ibig ang interes mula sa apat at kalahating porsyento (4.5%) sa apat na porsyento (4%) para sa mga empleyadong may buwanang sahod na labin-dalawang libong piso (P12,000.00) pababa.

            Para naman sa mga sumasahod ng higit labin-dalawang libong piso (P12,000.00) hanggang labing-apat na libong pisos (P14,000.00) ang dating 6.5% interest ay ibinaba sa 6%. Ito ay para maging lalong abot-kaya ninyo ang pagkakaroon ng sariling bahay.

            Sa humigit-kumulang dalawang libong piso (P2,000) lamang nahulog kada buwan, makatitira kayo sa isang lugar na may mga pasilidad tulad ng eskwelahan at social hall, at magkaroon pa kayo ng disenteng tirahan napagdating ng panahon ay matatawag ninyong tunay na “inyo.”

            Wala rin pong downpayment o equity na kakailanganin sa inyo. Pasalamatan natin dito ang Fiesta Communities na siya namang developer ng housing project na ito.

            Lahat ng ito ay nangyayari lamang dahil sa masigasig na pakikipag-ugnayang pag-ibig sa malalaking kumpanya upang lubusang maisulong ang employees housing. Ito ay isang malinaw na halimbawa ng public-private partnership program naisinusulong ng ating pamahalaan sa pamumuno ng ating Pangulong Noynoy Aquino.

            We in the housing sector fully support the public-private partnership (PPP) strategy, as we deem it effective in meeting the demand for housing of our workers, especially the minimum wage earners.

            As always, katuwang natin ang local government—and in this particular project, ang LGU ng Castillejos ay talaga namang buo ang suportang ibinibigay sa Hanjin Village Project.

            It goes without saying, congratulations are in order for Hanjin, the local government of Castillejos, Fiesta Communities, and the government agencies involved, particularly Pag-Ibig Fund. The Hanjin Village Project is now off to a successful start.

            Tulad ng dati, kami po sa sektor ng pabahay ng pamahalaan ay laging nasalikod ninyo. Sama-sama nating isakatuparan ang pabahay para sa lahat, laluna sa mahihirap.

            Nais ko ring batiin ang unang batch ng Hanjin employees na mabibigyan ng pabahay. Ito ay bunga at gantimpala sa lahat ninyong pagsisikap. Di magtatagalat susunod na rin ang iba pang batch. Ituloy lang natin ang magaling na trabaho at mabuting gawa na ating ambag sa tagumpay ng inyong kumpanya, ang Hanjin inthe Philippines.

            At ituloy natin ang tagumpay ng pabahay para sa lahat ng pilipino! Ituloy natin ang pag-unlad ng buong Pilipinas!

            Maraming salamat po.